Tuesday, December 18, 2007

SJV III CHRISTMAS PARTY

Tuesday, December 18, 2007 Posted by Admin No comments

"Pamaskong Handog Para Sa Lahat"

Malugod po naming kayong inaanyayahang dumalo sa ating SJV III CHRISTMAS PARTY na gaganapin sa Park sa ika-22 ng Disyembre 2007, Sabado, mula 6:30 ng hapon at tunghayan ang pamaskong handog na aming inihanda. Kabilang po nito ay ang pagtatahanghal mula sa ibat-ibang quadrant ng ating Village (Quadrants 1, 2, 3 and 4)!!!

Hinahangad din po namin na sabay-sabay tayong maghapunan sa gabing ito kaya minarapat na rin naming maghanda ng pagkain sa halagang P100.00 bawat isang tao. Kalakip ng imbitasyong ito ay tatlong meal stubs sa halagang P300.00 na maari ninyong bayaran hanggang Dec. 18, 2007 sa Clubhouse o sa mga namumuno sa inyong Quadrant. Para sa ibang kaalaman, karagdagang meal stubs o ano mang balakid, makipagugnayan lamang po sa ating tanggapan sa Clubhouse mula 9:00 ng umaga - 6:00 ng hapon.

Makisaya at makilahok sa awitan, tugtugan, sayawan at salu-salo at sabay-sabay nating gunitain ang diwa ng Pasko!!!

Maraming Salamat Po at Inaasahan Po Namin ang Inyong Pagdalo!



Maligayang Pasko sa Lahat!!!

MGA KABATAAN NG SJV III
(SJV III Homeowners Association 2007)



Namumuno:

Quadrant 1 - Reingel at Sandra Pelaez, Dosia Reyes (Blk 1 Lot 21/Blk 1 Lot 20)
Quadrant 2 - Jem Leyson, Joseph de la Cruz (Blk 13 Lot 8/ Blk 9 Lot 13)
Quadrant 3 - Kathy Casanova, Kevin Martinez, Shomarie Pablico ( Blk 19 Lot 15/ Blk 26 Lot 17/ Blk 20 Lot 30)
Quadrant 4 - Ricky Aguda, Ivan Marquez (Blk 16 Lot 2/ Blk 14 Lot 94)

Pangkalahatang Pamuno : Jem Leyson at Reingel Pelaez

0 comments:

Post a Comment